Pormal na tinanggap ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Western Command (WESCOM) Commander Rear Admiral Alfonso Torres Jr. ang kanyang pangatlong estrella sa donning of ranks ceremony sa Camp Aguinaldo ngayong araw.
Ang Seremonya ay pinangunahan ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr.
Kasama ni Torres na nabigyan ng promosyon sina Marine MGen Jimmy Larida, The Deputy Chief of Staff for Operations, J3; Commodore Constancio Arturo Reyes Jr, Deputy Commander for External Defense Operations, WESCOM; at BGen Roman Dioso, Deputy Commander for Internal Defense Operations, WESCOM.
Sa kanyang mensahe sa mga bagong-promote na opisyal, binigyang diin ni Gen. Brawner ang mas mabigat na responsibilidad at mas mataas na inaasahan sa kanila, na kasama ng bagong ranggo.
Pinaalalahanan ni Gen. Brawner ang mga opisyal na ipinagkakatiwala sa kanila ang pangangalaga sa kapakanan ng kanilang mga tauhan sa pagtiyak ng tagumpay ng kanilang misyon, partikular sa pagtatanggol ng teritoryo ng bansa sa West Philippine Sea. | ulat ni Leo Sarne
📷 Photos by TSg Obinque and SSg Ambay/PAOAFP