Pangatlong batch ng shabu sa karagatan, natagpuan sa Ilocos Sur

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umabot na sa 60 ang kabuuang bilang ng mga pakete ng shabu na natagpuan sa karagatan ng Ilocos Sur.

Sa ulat ni Ilocos Sur Police Provincial Office Director Police Colonel Darnell Dulnuan na nakarating sa Camp Crame, 18 pang karagdagang pakete ng shabu ang natagpuan ng mga mangingisda 42 nautical miles mula sa Magsingal shore.

Ayon kay Colonel Dulnuan, ito ang pangatlong “batch” ng droga na natagpuan at narekober sa magkakahiwalay na munisipyo ng lalawigan.

Matatandaang una nang natagpuan ang 24 na pakete ng shabu sa San Juan noong Lunes, kasunod ng 18 pakete sa Santa Maria kahapon, na may mga “Chinese markings”.

Ayon kay Dulnuan, nakikipag-coordinate na ang Ilocos Sur Police sa Philippine Coast Guard, PNP Maritime Group, PNP Drug Enforcement Group, at Philippine Drug Enforcement Agency para imbestigahan ang magkakasunod na insidente.

Binigyang diin ni Dulnuan, na sa ngayon ay hindi pa malinaw ang “real picture” kung sadyang tinangkang ipuslit ang droga o inanod lang mula sa aksidente sa karagatan. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us