Umabot sa mahigit kalahating bilyong piso ang tulong na inabot ng Department of Agriculture (DA) sa mga magsasaka at mangingisda sa Panay at Guimaras.
Kasabay ng pamamahagi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng Presidential Assistance to Farmers and Fisherfolk (PAFF) sa Western Visayas, Hunyo 27 ay namahagi rin ng assistance ang DA para sa mga Lalawigan ng Antique, Aklan, Capiz, Iloilo, at Guimaras.
Kasama sa mga naipamahaging tulong ay ang mga makinarya katulad ng four-wheel tractor, single pass rice mill, precision seeder, multistage rice mill, at mga dryer na nagkakahalaga ng P69,088,667 para sa Inabasan Small Farmers Association, United Iglongbo Farmers Association, at Hamtic Multipurpose Cooperative.
May tig-P10 milyong naman ang Barbaza Farmers Irrigators Association at Belison Multipurpose Cooperative bilang benepisyaryo ng Integrated National Swine Production Initiatives for Recovery and Expansion o INSPIRE Program.
Samantala, ang pagpapatayo ng Diversion Dam para sa Aguila at Masanag Farmers Association ay umabot naman sa mahigit P8 milyon.
Ang mga probinsya sa Panay, at Guimaras ay nakatanggap rin ng certified seeds sa ilalim ng RCEF Seed Program.
Sinamahan ni DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. si Pangulong Marcos sa ceremonial distribution sa Antique. | ulat ni Hope Torrechante, Radyo Pilipinas Iloilo