Palalakasin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Royal Thai Navy ang kanilang maritime security cooperation.
Ito ang pinag-usapan ni AFP Chief Gen. Romeo Brawner Jr. at Royal Thai Navy Commander-in-Chief Admiral Adoong Pan-lam, sa pagbisita ng huli sa Camp Aguinaldo kahapon.
Tinalakay ng dalawang opisyal ang mga plano para palakasin ang kapabilidad sa maritime security sa pamamagitan ng joint exercises at defense training.
Ang kooperasyon ng mga pwersa ng dalawang bansa ay alinsunod sa 1997 Philippine-Thailand Memorandum of Understanding on Military Cooperation.
Kapwa naman tiniyak ng dalawang opisyal ang kanilang commitment sa “rules-based international order, kung saan kanilang binigyang diin ang kahalagahan ng stabilidad at kapayapaan sa Southeast Asia. | ulat ni Leo Sarne