Binalaan ni PNP Internal Affairs Service (IAS) Inspector General Atty. Brigido Dulay ang publiko na mag-ingat sa mga indibidual na nagpapanggap na tauhan ng IAS.
Itoy matapos makatanggap ng impormasyon na may mga taong nagpapanggap na mga pulis ng IAS at nangongolekta ng pera kapalit ng protection at facilitation services.
Sinabi ni Dulay na nakikipagtulungan na ang IAS sa mga kinauukulang tanggapan ng PNP para mahuli ang mga impostor.
Binigyang diin ni Dulay na hindi trabaho ng IAS ang makipagtransaksyon sa publiko para hadlangan ang lehitimong law enforcement activities.
Babala ng IAS, ang sinumang magpapanggap bilang kanilang opisyal na masasangkot sa protection raket ay mahaharap sa estafa sa ilalim ng Sec. 135 ng Revised Penal Code at Usurpation of Authority sa ilalim ng Section 177 ng Revised Penal Code. | ulat ni Leo Sarne