6 na local terrorist, sumuko sa Maguindanao del Norte

Facebook
Twitter
LinkedIn

Limang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at isang miyembro ng Daulah Islamiyah-Turaife Group ang boluntaryong sumuko sa 1st Brigade Combat Team headquarters sa Barangay Pigcalagan, Sultan Kudarat Maguindanao del Norte kahapon.

Ang mga sumuko ay tinanggap ni 1BCT Commander Brigadier General Leodevic Guinid, sa presensya ng mga lokal na opisyal ng BARMM at PNP.

Kasabay nilang isinuko ang tatlong 7.62mm Sniper rifles, isang Springfield Garand rifle, isang 40mm Grenade Launcher, at isang Rocket-Propelled Grenade Launcher.

Ayon kay Joint Task Force Central Commander, Major General Alex Rillera, ang mga nagbalik-loob ay sumailalim sa “validation process” para maging kwalipikado sa mga benepisyo at programa mula sa pamahalaan ng BARMM.

Hinimok naman ni Western Mindanao Command (Westmincom) Commander Lieutenant General Roy Galido ang mga nalalabing militante na magbaba narin ng armas at makiisa sa pamahalaan sa pagsulong ng kapayapaan at progreso sa Mindanao. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us