Performance Based Bonus ng PNP para sa FY 2022, ipamamahagi na ngayong araw

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inanunsiyo ng Philippine National Police (PNP) ang pamamahagi ng Performance Based Bonus ng mga pulis para sa Fiscal Year 2022 simula ngayong araw, Hulyo 5.

Ayon sa PNP, makikinabang sa kabuuang mahigit P3.8 o halos P4 bilyong Special Allotment Release Order (SARO) para sa PBB ang nasa 214,321 na mga deserving PNP Personnel para kilalanin ang kanilang natatanging serbisyo.

Batay kasi sa PBB Criteria at Conditions, kinakailangang makakuha ng kabuuang 80 points ang isang PNP Personnel para mabigyan ng nasabing insentibo.

Dahil diyan, makatatanggap ang bawat kuwalipkadong pulis ng 52% ng kanilang December 31, 2002 monthly basic salary na prinoseso ng Directorate for Comptrollership at PNP Finance Service, na ipadadala naman direkta sa ATM payroll accounts.

Paliwanag ng PNP, kaya naantala ang pagbibigay ng PBB para sa taong 2022 ay dahil sa may mga pulis ang naharap sa kaso at nabigyan ng low performance sa nakalipas na siyam na buwan ng nabanggit na taon.

Umaasa naman si PNP Chief, Police General Rommel Francisco Marbil na magsisilbing inspirasyon ang naturang insentibo para sa mga pulis na buong pusong gumaganap ng kanilang tungkulin. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us