Social Security Coverage para sa mga dating rebelde, ipinupursige ng SSS at PNP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pursigido ang Social Security System (SSS) at Philippine National Police (PNP) na ituloy ang social security coverage ng mga dating rebelde sa Ilocos Sur sa pamamagitan ng contribution subsidy arrangement.

Sinabi ni SSS President at Chief Executive Officer Rolando Ledesma Macasaet, nakipagdiyalogo na ang SSS sa PNP-Ilocos Sur Police Provincial Office at tinalakay ang mga plano ukol dito.

Inalam ng SSS ang mga detalye tungkol sa bilang ng mga dating rebelde, kanilang kasalukuyang kabuhayan, at buwanang kita.

Bahagi ito ng proseso upang matukoy ang halaga ng pagbibigay ng buong SS Contributions sa loob ng anim na buwan.

Ang SSS ay masigasig na lumahok bilang isang tagapagbigay ng subsidy sa ilalim ng Contribution Subsidy Provider Program (CSPP) nito.

Nabatid na ang mga dating armadong grupong ito ay naka-enroll na ngayon sa iba’t ibang livelihood training na iniaalok ng gobyerno bilang bahagi ng kanilang reintegration process. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us