Tiniyak ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos Jr. na iaanunsiyo na nito sa loob ng dalawang araw ang resulta ng imbestigsyon sa police officers na sangkot sa illegal drug trade.
Ginawa ni Abalos, ang pahayag pagkatapos ng seremonya ng pagpirma sa isang Memorandum of Understanding sa USAID at Department of Health (DOH) para sa BIDA program ng pamahalaan.
Ayon kay Abalos, sa ngayon pinaplantsa na nila ang ilang mga legalidad upang masiguro na walang malalabag na Karapatan.
Kasama rin aniya sa isasapubliko ng kalihim ang resulta ng imbestigasyon sa kontrobersiyal na 990 kilos ng shabu na nasabat sa Maynila noong 2022.
Makatitiyak aniya ang publiko na magkakaroon ng makatotohanang paglilinis o internal cleansing sa pambansang pulisya. | ulat ni Rey Ferrer