Mga Pulis na sangkot sa ilegal na droga, tiniyak na makakasuhan at makukulong ayon sa bagong PNP Chief

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) ang pagsasampa ng kaso sa mga opisyal nilang isinasangkot sa ilegal na droga

Ayon kay PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr., papanagutin nila ang lahat ng mga opisyal ng PNP na mapapatunayang may koneksyon sa ilegal na droga partikular na sa pagkakasabat ng 990 kilos na shabu sa Maynila noong nakaraang taon.

Paliwanag ng opisyal, pagkukumparahin nila ang imbestigasyon ng Special Investigation Task Group 990 at ang fact-finding na ginagawa ng National Police Commission (NAPOLCOM) para matukoy ang mga opisyal na dapat kasuhan.

Samantala, hindi naman na naglabas ng detalye si Acorda sa dalawang General at dalawang Colonel na nirekomenda ng 5-man advisory group na sampahan ng kasong administratibo at alisin sa serbisyo.

Magkakaroon kasi umano ng joint press conference ang NAPOLCOM at Department of the Interior and Local Government tungkol dito. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us