Apat na construction workers ang kumpirmadong nasawi habang 3 iba ang nasugatan matapos gumuho ang isang construction site sa Brgy. Dela Paz, Antipolo City.
Batay sa ulat ng Antipolo City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), nakatanggap sila ng ulat dakong alas-3:32 ng hapon kahapon kaugnay sa nangyaring pagguho ng 2 palapag na bahay sa Fairmount Hills Subdivision.
Ayon kay Relly Bernardo ng Antipolo CDRMMO, agad na nagpadala ng rescue team ang LGU, Barangay gayundin ang mga tauhan ng BFP at PNP sa lugar para sagipin ang 7 construction worker ang natabunan ng lupa.
Gayunman, 3 sa mga biktima ang nakaligtas habang 4 sa kanila ang dead on the spot matapos na malibing ng buhay.
Sinabi ni bernardo na mayroon namang building permit ang contractor ng bahay mula sa Office of the Buildinf official pero kanilang inaalam pa kung nagkaroon ng kapabayaan sa nangyaring insidente.
Sa ngayon, pansamantala munang itinigil ang constrution sa naturang lugar habang gumugulong ang imbestigasyon.
Tiniyak naman ng may-ari ng bahay na tutulong ito sa pamilya ng mga nasawing construction worker. | ulat ni Jaymark Dagala