Kinumpirma ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na kinakailangang i-retrofit o isaayos ng Guadalupe Bridge sa EDSA.
Sa Build Better More Infra Forum, ipinaliwanag ni DPWH Usec. Maria Catalina Cabral na ito ay bilang paghahanda sakaling tumama ang the ‘Big One’ sa Metro Manila.
Ayon sa opisyal, nakapagsumite na sila ng traffic management plan sa MMDA at hinihintay na lamang nila ang approval nito.
Kaugnay nito ay sinabi na ng DPWH na aantayin nilang masimulan ang road expansion sa EDSA bago ayusin ang Guadalupe Bridge para makabawas sa bigat ng daloy ng mga sasakyan sa lugar. | ulat ni Lorenz Tanjoco