Biyaheng CALABARZON ngayon si Philippine National Police (PNP) Chief, Police General Rommel Francisco Marbil para sa kaniyang regular na Command Visit.
Batay sa abiso ng Police Regional Office 4A, ganap na alas-8 ng umaga ngayong araw ang Command Visit sa Camp Vicente Lim sa Calamba City sa Laguna.
Doon, inaaasahang magsasagawa ng “Talk to Men” ang PNP chief bilang bahagi ng kaniyang regular na pangungumusta sa kanilang mga tauhan.
Maliban dito, pangungunahan din ni Gen. Marbil ang Serbisyong Bayanihan Caravan gayundin ang paglulunsad ng P.O.W.E.R App services, Blue Cop on Mobile Wheels, at ang PRO-4A Ronda.
Ang P.O.W.E.R app services ng PNP ay ang online Public Service Platform ng PRO-4A para sa mas mabilis na pagresponde ng Pulisya sa anumang sumbong, reklamo o emergency. | ulat ni Jaymark Dagala