Nakapagtala ng 10 milyong metrikong tonelada ng asin ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR)-Region 10 sa loob ng limang buwan ngayong taon sa kabila ng naranasang El Niño kamakailan.
Iniulat ito ni BFAR-10 Development of Salt Industry Project (DSIP) Regional Focal Person Mary Joy A. Tac-an sa programang Usapang Agrikultura nitong Huwebes, Hulyo 18.
Ayon kay Tac-an, malaki ang produksyon ng asin sa Rehiyon 10 kung saan aabot sa dalawang milyong metrikong tonelada bawat buwan simula noong Enero hanggang Mayo ngayong taon.
Dagdag pa niya, isa sa mga hamon sa produksyon ng asin sa Alubijid, Misamis Oriental ay ang tag-ulan.
Patuloy naman ang BFAR-10 sa paghananap ng alternatibo upang mapanatili ang produksyon ng asin sa gitna ng nararanasang La Niña.
Ito ay sa ilalim ng DSIP na naglalayong tugunan ang mga hamon at kakulangan ng produksyon ng asin sa Pilipinas.
Batay sa datos ng BFAR, nasa 7% lang ang napo-produce na asin sa buong Pilipinas na kung saan ang natitirang 93% ay imported mula sa ibang bansa. | ulat ni Sharif Timhar | RP1 Iligan
📸: BFAR 10 – Development of Salt Industry Project