Mayor Ruffy Biazon, ipinagmalaki ang mga gamit ng Muntinlupa emergency app

Facebook
Twitter
LinkedIn

Real time reporting at quick response!

Ilan lamang ito sa mga bagong feature ng iRespond app ng Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa.

Ayon kay Muntinlupa Mayor Ruffy Biazon, “safety is just a tap away,” kung saan sa pamamagitan ng iRespond mas mabilis na ma-re-report at maaksyunan kung kailangan ng medical assistance, fire rescue, police intervention, o iba pang kritikal na serbisyo.

Kargado aniya ang nasabing app ng photo and video capability para sa mabilis na assessment ng scenario.

Maaari ding ma-monitor ng main monitoring unit ang lugar at pagkakakilanlan ng humihingi ng tulong.

Patunay aniya ang iRespond mobile app ng dedikasyon ng lungsod sa kaligtasan at kapakanan ng mga mamamayan.

Hindi lang aniya pinahuhusay ang public safety sa Muntinlupa kung hindi pinagtitibay rin ang katatagan ng lungsod sa panahon ng krisis.” | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us