Plano ng Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa na maging isang smart City sa lalong madaling panahon.
Ayon kay Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon, hindi maibabase ang pagiging smart city sa gadgets at kagamitan na meron ang isang lungsod.
Sa halip aniya ang depinisyon ng smart city ay kung paano ginagamit ng isang lungsod ang mga makabagong teknolohiya na meron ito.
Para aniya sa Muntinlupa at kapakanan ng mga Muntinlupenyo ay isang hakbang patungo sa pagiging smart city ang kanilang inilunsad na iRespond emergency app ng lungsod.
Ito aniya ay may kapasidad ng real time tracking at quick response sa pamamagitan ng mga high tech na gadgets ng lungsod.
Maliban pa dito ay inaayos na aniya ng kanilang lungsod ang pagkakaroon ng iisang server para sa mga health file ng mga taga Muntinlupa.
Sa pamamagitan aniya nito ay kahit saang health center magtungo ang isang taga Muntinlupa ay accessible ang health records nito.
Ilan lang aniya ang mga nasabing hakbang para maisakatuparan ng lungsod ang pagiging smart city. | ulat ni Lorenz Tanjoco