Dumalo si Northern Luzon Command (NOLCOM) Commander Lt. General Fernyl Buca sa pagpapasinaya ng bagong “Peace Center” sa Aurora Training Center, ARESCOM Building, Brgy. Calabuanan, Baler, Aurora, nitong Miyerkules.
Panauhing pandangal sa paglulunsad ng kauna-unahang “peace Center” sa Central Luzon si Presidential Peace Adviser Secretary Carlito Galvez Jr.
Ang “Peace Center” na inisyatiba ng pamahalaang panlalawigan ng Aurora ay para matulungan ang mga sumukong rebelde sa lalawigan sa kanilang “reintegration” sa lipunan.
Bahagi ng aktibidad ang pag-turn over ng 5 million pisong tseke para sa educational assistance sa mga dating rebelde at
livelihood project assistance at rice subsidies sa People’s Organizations (POs).
Sinabi ni Sec. Galvez na ang Peace Center ang magiging pangunahing simbolo ng kapayapaan sa Aurora.
Hinikayat naman ni Lt. Gen. Buca ang lahat ng nalalabing rebelde na magbalik-loob na sa pamahalaan upang makapagsimula uli bilang produktibong miymebro ng lipunan. | ulat ni Leo Sarne