Bilang bahagi ng post celebration ng Nelson Mandela International Day, isinagawa ng Bureau of Corrections ang culminating activity nito para makapag-palaya ng 784 persons deprived of liberty.
Ito ay nag simula noong June 11 hanggang kahapon July 18.
Ayon kay Bureau of Corrections Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. dahil nasabing bilang ay umabot na sa 15,143 ang kabuuang bilang ng mga PDLs na napalaya sa ilallim ng administration ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sa naturang bilang, 468 ay napalaya dahil sa expiration ng kanilang maximum sentence, 165 dahil sa acquittal, 122 paroled, 24 granted probation at lima ang nabigyan ng Executive Clemency.
Giit ni Catapang kinikilala nila si Mandela dahil ang BuCor ay sumusunod sa panuntunan ng Mandela rules kung paano traruhin ang isang PDL na may dignidad.
SI Mandela, na nakulong sa kanyang panahon… ay isang malaki at kilalang tao, at magaling na leader, at nagawang kalimutan at magpatawad at pangunahan ang kanyang bansa sa mas magandang kinabukasan. | ulat ni Lorenz Tanjoco