Certificate of condonation para sa pagbubura ng utang ng higit 64,000 ARBs sa Northern Luzon, personal na ipinamahagi ni Pangulong Marcos Jr.

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nilagdaan ngayong araw ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang certificates of condonation o ang patunay na binubura na ng national government ang utang ng nasa 3,500 agrarian reform beneficiaries sa Region I.

Sa kaganapan sa Pangasinan ngayong hapon (July 19), sinabi ng Pangulo na nasa P50 million ang halaga ng utang ng mga magsasaka sa Region I ang pinawalang bisa na ng pamahalaan.

Sa Cordillera Administrative Region (CAR), Region II, at Region III, nasa higit 70,000 condonation certificates naman ang ipamamahagi na tinatayang nagkakahalaga ng nasa P3 billion na utang ang hindi na pababayaran ng pamahalaan sa mga magsasaka.

Sabi ni Pangulong Marcos, sumisimbolo ito sa katuparan ng pangako ng administrasyon na burahin ang utang ng agrarian reform beneficiaries.

“Ang pamamahagi ngayong araw ng mga condonation na ito ay isang mahalagang hakbang-pasulong sa ating paglalakbay tungo sa hustisyang agraryo. Kaisa ninyo kami sa inyong mga hangarin, at kami ay tapat sa pangakong susuportahan at palakasin kayo sa bawat hakbang ng inyong paglalakbay,” -Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us