‘Zero tolerance’ sa Police misconduct, idineklara ng PNP Chief

Facebook
Twitter
LinkedIn

Idineklara ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Rommel Francisco Marbil na ipatutupad ng kanyang pamunuan ang “zero tolerance” sa “misconduct” ng mga pulis.

Sa isang statement kahapon, sinabi ng PNP chief na walang lugar sa kanilang hanay para sa mga tiwaling pulis, at ang sinumang lumabag sa mga patakaran o umabuso ay mahaharap sa buong pwersa ng “Internal Disciplinary Mechanism” (IDM) ng PNP.

Tiniyak ng PNP chief ang mabilis na pagsasampa ng kaso at pagpataw ng parusa sa mga pulis na sangkot sa katiwalian.

Sa panayam ng PTV-4, inilahad ng PNP chief ang mga plano para palakasin ang Internal Affairs Service (IAS), kasabay ng mga kasalukuyang ginagawa ng PNP para labanan ang krimen at iligal na droga, at para mapataas ang pagtitiwala ng publiko.

Sa huling ulat ng IAS, 6,256 tauhan ng PNP ang kinasuhan mula Hulyo 2022 hanggang Hulyo 2024, kung saan 2,550 ang nahaharap sa administratibong parusa na reprimand hanggang dismissal; at 572 ang inirekomenda na masibak sa serbisyo dahil sa samut-saring kaso.  | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us