Ininspeksyon ni Philippine National Police (PNP) Chief, PGen. Rommel Francisco Marbil ang mga tauhan ng Pulisya na naka-poste sa iba’t ibang bahagi ng Quezon City ngayong araw.
Ito’y para kumustahin ang latag ng seguridad para sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Unang binisita ng PNP Chief ang Command Center ng Quezon City Police District (QCPD) sa Kampo Karingal.
Doon kaniyang binigyang diin na kailangang manaig ang batas at hindi nila hahayaang labagin ito ng sinuman lalo na kung ang seguridad nila bilang Pulis ang malalagay sa alanganin. | ulat ni Jaymark Dagala