Agad na nagpadala ng survey vessel ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) upang tumulong sa paghahanap sa lumubog na Terra Nova, isang motor tanker sa baybayin ng Limay, Bataan.
Ayon kay Environment Secretary Maria Antonia Yulo Loyzaga, mahalagang matukoy ang eksaktong lokasyon at kondisyon ng barko upang masuri ang posibleng pagkalat ng langis at mapigilan ang pinsala sa kalikasan.
Ang BRP Hydrographer Presbitero, na pagmamay-ari ng National Mapping and Resource Information Authority (NAMRIA) ang gagamitin sa pag-survey sa lugar kung saan lumubog ang Terra Nova.
Nagpahayag din ng suporta si Loyzaga sa mga hakbang na ginagawa ng Philippine Coast Guard at lokal na pamahalaan ng Limay sa pangunguna.
Ani Loyzaya, handang tumulong ang DENR upang matukoy ang posibleng epekto ng insidente at maiwasan ang karagdagang pinsala sa kalikasan.
Samantala, nakipag-ugnayan na rin ang DENR sa UP Marine Science Institute (MSI) upang bumuo ng modelo na makatutulong sa pagtukoy sa posibleng pagkalat ng langis mula sa barko. | ulat ni Diane Lear