Nakatutok na ang Department of Agriculture sa sitwasyon ng mga magsasakang inaasahang maapektuhan dahil sa oil spill mula sa lumubog na oil tanker na MT Terra Nova sa Limay, Bataan.
Ayon kay DA Spokesperson Asec. Arnel de Mesa, nakahandang umagapay ang kanilang quick response fund para pangangailangan ng nga mangingisdang maaapektuhan ang hanapbuhay.
Nagkakahalaga ito ng P1-B na maaaring ilaan sa rehabilitation efforts pati na sa alternative livelihood.
Sa ngayon, nakikipagugnayan na aniya ang DA sa BFAR at sa mga regional office para sa assessment sa sitwasyon.
Una nang sinabi ng BFAR na aabot sa tinatayang 46,000 mangingisda sa NCR, Central Luzon at CALABARZON ang posibleng maapektuhan kung maging malawakan pa ang oil spill mula sa MT Terra Nova. | ulat ni Merry Ann Bastasa