Sa layong maisulong ang mga inisyatibo para sa kalikasan ay nakipagpartner ang Quezon City Local Government sa SM Supermall para sa pagbubukas ng isang sustainability fair sa Activity Center ng SM North Annex.
Pinanguhanan mismo ni QC Mayor Joy Belmonte ang ribbon cutting ceremony na hudyat ng pagbubukas ng Zero Carbon by 2050 bazaar and exhibit.
Tampok rito ang iba’t ibang mga lokal na negosyo na may environmental at sustainable na produkto at serbisyo.
Sa pamamagitan nito ay hinihikayat ng pamahalaang lungsod ang bawat mamamayan na piliin ang sustainable lifestyle at tangkilikin ang eco-friendly products para mabawasan ang carbon footprint na siyang nagdudulot ng climate change.
Ayon kay QC Mayor Joy Belmonte, nakaangkla ang programa sa pagsusulong ng climate action para sa pagkamit ng zero carbon status sa lungsod sa taong 2050.
Sa panig naman ng LGU, iba’t ibang inisyatibo na rin aniya ang isinulong kabilang ang pagkakaroon ng climate action plan.
Magtatagal ang naturang sustainability fair hanggang sa linggo, May 7. | ulat ni Merry Ann Bastasa