Wala pang natatanggap na opisyal na ulat ang Bureau of Animal Industry kaugnay sa bird flu outbreak sa Tarlac.
Ayon sa BAI na wala pang confirmed laboratory results ang naiulat sa lugar.
Naglabas ng pahayag ang ahensya kasunod ng ulat ng ilang media outlet na may bird flu outbreak sa Tarlac
Ang huling naitalang confirmed cases ng bird flu sa lalawigan ay noon pang Disyembre 2023.
Nilinaw pa nito na ang BAI Animal Diagnosis and Reference Laboratory ang natatanging otoridad ang opisyal na nagku- kumpirma ng positive cases ng bird flu sa pamamagitan ng Standardized Testing Protocols.
Pagtiyak pa ng BAI na seryuso nilang pinapangalagaan ang kalusugan at kaligtasan ng poultry industry.
Nakiusap ito sa publiko at media na umasa lamang sa verified information at official statement ng BAI.
Makakaasa umano ang publiko na anumang kumpirmadong kaso ng bird flu ay nilang ipapaalam at gumawa ng kaukulang mga hakbang para matugunan ito. | ulat ni Rey Ferrer