Pinabulaanan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga kumakalat sa social media na nasa P787.6 billion ang pondo ng tanggapan para sa flood control projects sa nakalipas na dalawang taon.
Kasunod ito ng mga pagbahang naranasan sa National Capital Region (NCR) sa nakalipas na pagdaan ng Bagyong Carina.
Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni MMDA Chair Romando Artes na fake news ito.
Katunayan, nitong 2023 nasa P1.8 billion ang pondo ng tanggapan habang P2.2 billion naman ngayong taon.
Kasama na aniya dito ang P400 million na pondo para sa operations at maintenance ng 71 pumping stations.
Sabi pa ng opisyal, kahit pa pagsama-samahin ang naging budget ng MMDA sa loob ng 49 na taong operasyon nito,baka hindi pa rin maabot ang sinasabing PhP787.6 billion. | ulat ni Racquel Bayan