Alegasyong paniniktik ng mga pulis sa bahay ni VP Sara, pinabulaanan ng PNP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinabulaanan ni Philippine National Police (PNP) Public Information Office Chief Police Colonel Jean Fajardo ang alegasyong tiniktikan ng PNP ang inuupahang bahay ni Vice President Sara Duterte, at pagkuha ng larawan ng kaniyang mga anak habang palabas ng bansa.

Ito ang inihayag ni Col. Fajardo sa Pulong balitaan sa Camp Crame kaugnay ng open letter ng Bise Presidente kay PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil, tungkol sa umano’y “political harassment” na ginawa sa kanya ng PNP.

Samantala, walang pahayag ang PNP Chief tungkol sa naturang alegasyon at sinabi ni Col. Fajardo na mas naka-focus si Gen. Marbil sa humanitarian mission sa mga nabiktima ng nagdaang bagyo, kung saan kabilang din sa mga apektado ang mga pulis.

Nagtungo din aniya ang PNP Chief sa Calabarzon para personal na kumustahin at parangalan ang dalawang pulis na sugatan sa pagganap ng kanilang tungkulin. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us