DMW at Pamahalaang Panlalawigan ng Davao Occidental, magtutulungan para magtayo ng OFW Help Desk sa lalawigan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagsanib-puwersa ang Department of Migrant Workers (DMW) at ang Pamahalaang Panlalawigan ng Davao Occidental upang magtayo ng mga overseas Filipino worker (OFW) Help Desk sa lalawigan.

Layon nitong magbigay ng agarang tulong at komprehensibong serbisyo para sa mga OFW at kanilang pamilya.

Photo courtesy of Department of Migrant Workers Facebook page

Sa ilalim ng nilagdaang Memorandum of Agreement (MOA), magtutulungan ang DMW at pamahalaang panlalawigan upang suportahan ang mga OFW sa kanilang buong paglalakbay, mula sa pre-employment seminars, mabilis na pagtugon sa tulong habang nasa ibang bansa, hanggang sa kanilang ligtas na pagbabalik at reintegration.

Ayon kay Migrant Workers Undersecretary Bernard Olalia, ang pakikipagtulungang ito ay para sa pagpapalakas ng mga OFW at kanilang pamilya lalo na sa pagbibigay ng buong proteksyon simula sa grassroots level.

Photo courtesy of Department of Migrant Workers Facebook page

Nakasaad sa MOA ang pagsasagawa ng mga pre-employment seminar upang protektahan ang mga OFW mula sa mga mapagsamantalang recruiter at sindikato.

Hinimok naman ni Davao Occidental LGU ang kanilang mga nasasakupan na suportahan ang inisyatibong ito na protektahan ang bawat OFW sa lalawigan.

Kabilang sa mga munisipalidad na pumasok sa kasunduan sa DMW ang Don Marcelino, Jose Abad Santos, Malita, Santa Maria, at Sarangani. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us