PNP Chief Marbil, naniniwala na nagkaroon ng improvement sa pagtugon ng pamahalaan sa iligal na droga

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sa pagtaya ni Philippine National Police (PNP) Chief General Rommel Marbil, masasabi na may improvement na ang pagtugon ng pamahalaan partikular ng pambansang pulisya sa laban kontra iligal na droga.

Sa pagdinig ng House Committee on Human Rights ukol sa umano’y posibleng pagmamalabis sa war on drugs noong nakaraang administrasyon, pinuri ni Lanao del Sur Representative Zia Alonto Adiong ang malaking pagbaba sa mga namamatay sa illegal drug operations sa ilalim ng Marcos Jr. administration

“In 2022, from May 9 to June 20, 2022, all in all, nasa hundred plus. And then since President Marcos assumed Malacanang, there are 52. Can you give us the reason why there was a substantial decrease from the previous administration and now.” Ani Adiong

Ayon kay Marbil, ang sinusunod nilang polisiya ngayon ay ang preservation of human life.

Kaya aniya sa mga pagkakataon na magkaka-engkwentro, pawang sa paa ang tama ng mga hinahabol sa suspek.

“We followed different kinds of techniques with regard to operations. The reason, kaya nga po ito ang nangyari samin, mas marami po kaming tinatamaan sa paa. Below po yung mga tama ng mga pulis natin. And I guess mas magaling po yung mga technique ng mga pulis natin. Ang sinasabi ko nga ang guindance po natin is the preservation of life po.” Sabi ng PNP Chief

Nakatuon kasi aniya sila ngayon sa pagpapababa ng suplay ng droga.

Nakatulong din ani Marbil ang mga bago nilang kagamitan sa pag-monitor ng mga sangkot sa iligal na droga lalo na kung magsasagwa sila ng operasyon. Dagdag pa niya nagtatag sila ng mga complaint desk sa lahat ng Criminal Investigation and Detection Group regional offices para tumanggap ng reklamo laban sa mga pulis. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us