Siniguro ng Department of Agriculture na mabibigyan din ng murang bigas ang mga taga Visayas at Mindanao.
Ito ang tiniyak ni Agriculture Assistant Sec. Jenivev Guevarra kasunod ng paglukunsad ng Rice for All Program sa Bureau of Plants and Industry San Andres Maynila ngayong umaga.
Sabi nya, posibleng sa susunod na linggo ay maipatuoad na ito sa Cebu at Davao upang makabili na rin ang mga taga roon ng murang bigas.
Ang Rice for All Program ay kinapapalooban ng P29 kada kilo ng NFA Rice at P45 kilos para sa mga well milled rice.
Bukod sa San Andres Maynila, nagsimula na ring nagbenta ng P45 kada kilo sa Caloocan at FTI Taguig.
Meron na rin sa Antipolo City sa Rizal Province at Sta. Rosa Laguna katuwang ang mga Kadiwa Stores.
Tiniyak ng DA, maraming suplay ng bigas ang kanilang mga partners kung kayat pangmatagalan ang programang ito. | ulat ni Michael Rogas