Walang barko ng China ang na-mataan o na-monitor sa radar ng mga barkong pandigma ng Philippine at US Navy na nagsagawa ng Maritime Cooperative Activity (MCA) sa Exclusive Economic Zone ng Pilipinas kahapon.
Ito ang iniulat ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Public Affairs Office Chief Col. Xerxes Trinidad matapos ang sabayang pag-patrolya ng USS Mobile (LCS26) ng US Navy at BRP Ramon Alcaraz (PS16) sa Kanlurang karagatan ng Palawan.
Ayon kay Trinidad, ang MCA, na sinimulan kahapon sa area of Operations ng AFP Western Command (Wescom), ay natapos din bandang alas-6 ng hapon.
Layon ng ehersisyo na mapahusay ang komunikasyon at “operational coordination” sa pagitan ng dalawang pwersa.
Kabilang sa mga aktibidad na isinagawa ang communication checks, division tactics, at cross-deck exercises. | ulat ni Leo Sarne
📷 Courtesy of US Navy