Papalo sa mahigit 190,000 na estudyante ang nabigyan ng libreng uniform ng Taguig LGU mula sa 52 paaralan.
Kasama naman sa mga naibigay sa mga estudyante ang mga bagong design na uniforms at school supplies na pinaganda din ang mga materyal na ginamit.
Ayon sa Taguig LGU, para sa maayos na distribusyon ng nasabing mga kagamitan ay ibinigay ang supplues sa mga adviser ng bawat klase.
Inilibre na rin ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig ang alteration sa sukat ng mga uniporme para mas sumakto ito sa mga estudyante.
Paliwanag ni Taguig Mayor Lani Cayetano, 10 taon na nila ginagawa ang pagtanggal ng pasakit sa mga magulang tuwing pasukan.
Aniya, layon ng nasabing programa na maramdaman ng mga magulang na katuwang nila ang Lungsod Taguig sa pagpapaaral ng kanilang mga anak. | ulat ni Lorenz Tanjoco