Pabor si DILG Sec.Benhur Abalos sa pagsasampa ng kaso kaugnay ng oil spill mula sa MT Terranova na lumubog sa Limay, Bataan.
Kasunod ito ng plano ng Cavite LGU na maghain ng class action lawsuit kasunod ng perwisyong dulot ng oil spill.
Ayon sa kalihim, may karapatan ang mga lokal na pamahalaan gaya ng Cavite LGU na panagutin ang mga may pagkakamali at mga nagpabaya na nagresulta sa oil spill incident.
Dapat lang rin aniyang magkasa ng malalimang review sa mga protocol, manpower, checklist at iba pang konsiderasyon na dapat nasunod.
Para sa kalihim, maliban sa health hazard, malawak ang ecological damage na idinulot ng oil spill incident na nakakaapekto sa Central Luzon, CALABARZON at Metro Manila. | ulat ni Merry Ann Bastasa