Mga Barangay sa Valenzuela City, may sarili nang trak ng bumbero –LGU

Facebook
Twitter
LinkedIn

May tig-isang fire truck na ang lahat ng Barangay sa Valenzuela City.

Kahapon, pormal nang itinurn-over ang mga fire truck sa tatlumput tatlong (33) Barangay sa lungsod.

Ang bigay na mga fire trucks ay inisyatiba ng Office ni Senator Win Gatchalian at bawat isa ay nagkakahalaga ng ₱2,899,800 para sa kabuuang ₱95,693,400.

Naka-disenyo ang mga truck na kayang makapag-navigate sa mga makikitid na kalsada.

Bukod sa may 1,000-liter capacity water tank ang fire truck may modernong portable fire pump din ito, multi-functional warning blinker, at iba pang features.

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us