Lumagda sa isang Memorandum of Understanding sa Camp Crame ang PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) kasama ang Council for Welfare of Children (CWC) para labanan ang pagkalat ng Online Sexual Abuse and Exploitation of Children at Child Sexual Abuse and Exploitation Materials.
Nakasaad sa MOU, na tutugon ang PNP ACG Women and Children Cybercrime Protection Unit sa mga kasong irereport sa MAKABATA Helpline 1383 ng CWC.
Layunin nito na tugunan ang tumataas na bilang ng mga biktima ng naturang mga krimen, partikular na sa mga modeling scams at child beauty pageants.
Ito ay makaraang makapagtala ang mga kinauukulan ng 66 na mga batang biktima ng naturang mga krimen sa unang bahagi pa lamang ng taong 2024.
Kaugnay nito ay nanawagan din si PNP-ACG Acting Director PBGEN Ronnie Francis Cariaga sa publiko na agad i-report ang anumang sexual material na nang aabuso sa mga bata sa AlengPulis Cybersquad sa numerong 09688864759 o sa MAKABATA Helpline 1383 sa mobile numbers 09193541383 at 09158022375, maging sa kanilang email na [email protected], at Social media pages para sa agarang pagpapatake down sa mga online site na ito. | ulat ni Leo Sarne