Aabot sa isandaang 100 persons deprived of liberty ang nailipat mula sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City patungo sa Sablayan Prison and Penal Farm sa Occidental Mindoro.
Ayon kay BuCor Director General Gregorio Pio Catapang Jr. dahil sa nasabing batch, aabot na sa 7,579 ang bilang ng mga PDLs na nailipat mula NBP papunta sa ibat ibang mga operating prison and penal farm.
Ayon pa sa BuCoR, ang naturang batch umalis mula sa Batangas port bandang 4PM at nakarating sa sablayan bandang 10 PM ng gabi.
Dagdag pa ng ahensya na nitong nakaraang buwan, nasa 500 PDLs din ang nailipat sa sablayan bilang bahaging continuous decongestion program ng BuCor at preparasyon narin para sa nakatakdang pagsasara ng NBP bago ang 2028. | ulat ni Lorenz Tanjoco