Pasay LGU, inabisuhan ang mga motorista sa ilang pagsasara ng kalsada sa kanilang lungsod

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inabisuhan ng Pasay Local Government ang mga Pasayeño partikular ang mga motorista na simula sa Lunes, Agosto 12, 2024 ay pansamantalang isasara ang Arnaiz Libertad sa harap ng Quirino Bakery. 

Ayon sa pamahalaang lungsod ito ay bunsod ng pagsasaayos ng drainage at manhole sa naturang lugar na proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Pinapayuhan anila ang mga motorista na gamitin ang mga alternatibong ruta.

Abiso pa ng LGU, na ang lahat ng mga sasakyan mula Leveriza patungong Taft Ave. ay dapat tumungo sa Park Ave., kumaliwa hanggang P. Reyes at kumaliwa sa Lions Road hanggang Taft Ave.

Gayundin, ang lahat ng sasakyan mula Burgos Libertad patungong Harrison ay dapat kumaliwa sa Taft Ave. Libertad patungong Protacio Taft pagkatapos kumanan sa Lions Road, kumanan sa P. Villanueva St., at kumaliwa sa Galvez St. patungong FB Harrison.

Para sa karagdagang impormasyon, maaaring makipag-ugnayan sa Pasay Traffic and Parking Management Office in Action. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us