Hinikayat ng Pamahalaang Lungsod ng Las Piñas ang mga residente nito na makiisa sa darating na Agosto 15, araw ng Huwebes.
Ito ay para sa isasagawang libreng pnuemonia vaccine ng Las Piñas LGU sa CAA Events Place, Brgy. BF International/CAA mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.
Paalala ng LGU sa mga makikiisa na tiyakin munang nakapagpa-screen at rehistro sa pinakamalapit na health center sa kanilang mga lugar bago ang araw ng pagbabakuna.
Paliwanag ng pamahalaang lungsod, na ang naturang proyekto ay sa pangunguna nina Mayor Mel Aguilar at Vice Mayor April Aguilar para sa pangangalaga sa kalusugan ng mga nakatatandang Las Piñero. | ulat ni Lorenz Tanjoco