PDEA, ikinalugod ang hatol na guilty sa kasong perjury ni dating PDEA agent Morales

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ikinatuwa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang desisyon ng local court sa San Fernando, Pampanga na naglabas ng guilty verdict sa kasong perjury laban kay PDEA dismiss agent Jonathan Morales.

Sa inilabas na desisyon ng Municipal Trial Court Branch IV, San Fernando, Pampanga, nakitaan umano ito ng sapat na batayan.

Napatunayang nagkasala si Morales sa pagbibigay ng maling testimonya sa kasong illegal drugs laban sa dalawang Chinese national na pinaghihinalaang drug trafficker. 

Si Morales ay hinatulan ng pagkakulong ng apat na buwang arresto mayor medium, at inutusang magbayad ng multang Php1,000 na may subsidiary imprisonment in case insolvency. 

Magugunita na noong May 3, 2010 nagsagawa ng buy-bust operation si Morales kasama ang iba pang  PDEA agents sa San Fernando, Pampanga na nagresulta sa pagkakaaresto sa dalawang Chinese national at pagkakumpiska ng illegal drugs o shabu.

Gayunpaman, makalipas ang dalawang taon, binawi ni Morales ang kanyang testimonya at sinabing walang aktwal na buy-bust operation at nakatanim ang ebidensya laban sa akusado. | ulat ni Rey Ferrer