Arestado ang isang South African national matapos mahulihan ng P35-M na halaga ng iligal na droga sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.
Ayon sa Ninoy Aquino International Airport Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG), matagumpay nilang naharang ang isang female South African national na sinubukang ipasok ang malaking bulto ng iligal na droga sa bansa.
Base sa report ang 35 anyos na suspect ay sakay ng Etihad Airways flight EY 424 mula Abu Dhabi.
Sa kanyang pagdating sa bansa, agad nang ininspeksyon ang kanyang mga bagahe at sumailalim sa routine X-ray screening ng the Bureau of Customs (BOC).
Dito na na detect ng X-ray examiner, ang kahina hinalang imahe sa mga gamit nito dahilan para kumilos na ang mga operatiba ng NAIA-IADITG.
Ayon naman sa PDEA, ang transparent plastic bag contained ay naglalaman ng 5.265 kilograms ng white crystalline substance at kumpirmadong shabu na may estimated street value PhP35,802,000.00.
Nahaharap ngayon ang suspect sa kasong paglabag sa Section 5 ng Republic Act 9165, o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002,” dahil sa ilegal na transportasyon ng droga papasok sa bansa. | ulat ni Lorenz Tanjoco