Iniulat ng PNP Civil Security Group (CSG) na 11-libong pulis at 14-libong sundalo ang expired na ang License to Own and Possess Firearms (LTOPF).
Ayon pa kay CSG spokesperson Police Lt. Col Eudisan Gultiano, nasa 25-libo naman ang expired na Firearms Registration sa PNP at 29-libo ang expired Firearms Registrations sa AFP.
Paliwanag ni Gultiano, may mga pagkakataon na hirap talaga na mag-renew ng lisensya ng baril ang mga pulis at sundalo dahil 24/7 minsan ang takbo ng kanilang trabaho.
Sinabi ni Gultiano na magiging mas madali na para sa mga pulis at sundalo na mag-renew ng kanilang LTOPF at rehistro ng baril sa bagong kautusan ni PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil na i-exempt ang mga pulis at sundalo sa psychological at psychiatric examinations at drug test.
Dahil dito, inaasahan aniya ng CSG na bababa bilang ng mga pasong LTOPF at rehistro ng baril sa hanay ng pulisya at militar. | ulat ni Leo Sarne