Binigyang diin ni Philippine National Police (PNP) Chief Rommel Marbil na walang puwang ang red-tagging sa kanilang institusyon.
Sa interpelasyon ni Kabataan Party-list Representative Raoul Manuel, tinukoy nito ang pag-aaral ng Ateneo Human Rights Center nito lamang Hulyo, kung saan sangkot umano ang city at municipal police stations sa insidente ng red-tagging sa social media platform na Facebook.
Ani Marbil, wala silang nalalaman ukol sa naturang ulat gayunman ay agad na paiimbestigahan ang impormasyon.
Ngunit giit nito, na hindi gawain ng pulisya sa ilalim ng kanyang pamumuno ang red-tagging dahil labag ito sa karapatang pantao.
Maging si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos, idiniin na hindi bahagi ng polisiya ng PNP ang mang-red tag lalo na sa ilalim ng Marcos Jr. administration. | ulat ni Kathleen Forbes