Iprinisinta na ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos Jr. ang findings ng 5-man advisory group na nagrerekomenda kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na tanggapin ang resignation ng dalawang heneral at dalawang colonel na umano ay sangkot sa illegal drug activities.
Bagamat hindi pinangalanan ni Abalos ang apat, kinumpirma naman ng National Police Commission (Napolcom) na ang apat na police officers ay mga dating miyembro ng Philippine National Police Drug Enforcement Group.
Sa ngayon, inaantay na lang ng Napolcom kung tatangapin ng Malacañang ang resignation ng apat.
Tiniyak ni Abalos, na kahit tanggapin ang resignation ng apat tuloy-tuloy pa rin ang pagsasampa ng kaso laban sa mga ito.
Sabi pa ni Abalos, magsasampa sila ng administrative cases laban sa apat para ma-forfeit ang kanilang mga benefit sa gobyerno.
Ayon pa sa Kalihim, papangalanan din ang apat sa sandaling maisampa na sa korte ang mga kaso sa kanila. | ulat ni Rey Ferrer