Nagpatupad ng provisional operations ang pamunuan ng Light Rail Transit (LRT) line 2 ngayong araw.
Ayon sa pamunuan ng LRT 2, ito ay bunsod ng naranasang problemang teknikal partikular na sa pagitan ng Marikina at Antipolo stations nito.
Dahil diyan, rumesponde na ang mga tauhan ng Engineering Division sa nasabing linya para tingnan ang ugat ng nangyaring aberya.
Gayunman, nilinaw ng pamunuan ng LRT2 na mayroon pa rin silang biyahe mula Santolan hanggang Recto at balikan kung saan nasa pitong train sets ang tumatakbo.
Humingi naman ng paumanhin ang pamunuan ng LRT sa may 520 pasahero sa Santolan, Marikina at Antipolo stations na naapektuhan ng nasabing aberya. | ulat ni Jaymark Dagala