Nagpaabot ng pasasalamat House Committee on Muslim Affairs Chair at Lanao del Norte Rep. Khalid Dimaporo sa liderato ng Kamara at sa National Commission on Muslim Filipinos sa maigting na pagsuporta sa panukala na magtatag ng dagdag na Shari’ah courts sa bansa.
Sa budget hearing ng DILG, inihayag ni Dimaporo ang pagkagalak na sa wakas ay nalagdaan na bilang batas ang Republic Act 12018 para sa pagtatatag ng tatlong bagong shari’ah judicial districts at 12 circuit courts sa bansa.
Aniya sa batas na ito ay hindi na kailangan pang dumayo ng mga Muslim Filipino sa Mindanao para lang maproseso ang mga mahahalagang dokumento kaya ng birth, marriage o death certificate.
Sakop ng bagong shari’ah judicial districts ang dagdag Luzon, Visayas at Metro Manila. | ulat ni Kathleen Forbes