DA-PhilRice Isabela, tiniyak na di nadodoble ang pamamahagi ng binhi ng palay sa kanilang nasasakupan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ngayon ng Department of Agriculture Philippine Rice-Philippine Rice Research Institute (DA-PhilRice na maayos na naipapamahagi at hindi nadodoble ang natatanggap na binhi ng palay ng mga magsasaka sa Region 2 at sa Cordillera.

Ayon kay Dr. Andres Dela Cruz, Jr., Head ng Field Operations and Monitoring Division, sa pamamagitan ng nabuo nilang rice seed monitoring system ay nalalaman kung nakatanggap na ng binhi ang isang benepisyaryo, kahit pa man ito ay inbred seed na mula sa Rice Competitiveness Enhancement Fund o di kaya ay hybrid seed na mula naman sa National Rice Program (NRP) ng DA.

Dapat aniya, kung nakatanggap na ng inbred seed ang isang magsasaka ay hindi na ito maaaring makakuha pa ng hybrid seed.

Maliban sa naturang monitoring system, mahigpit din silang nakikipag-ugnayan sa NRP para masigurong hindi nasasayang ang pondo ng pamahalaan.

Kaugnay nito ay nanawagan pa ang opisyal sa mga magsasaka, na huwag ibenta at huwag pampakain ng mga alagang hayop ang binhi, dahil ang mga ito ay high-quality seeds at nanggaling sa mga lehitimong seed grower.

Kung may mga ganito naman aniyang, paglabag ay kanilang isinasagawa ang masusing imbestigasyon sa pakikipag-ugnayan sa mga LGU.

Kapag napatunayang hindi nagagamit nang maayos ang mga binhi, sinabi ni Dela Cruz na may posibilidad na matanggal sa listahan ang magsasaka at hindi na maaaring maka-avail sa mga programa ng kanilang opisina. | ulat ni April Jane Salucon-Racho, Radyo Pilipinas Tuguegarao

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us