Patuloy sa paglobo ang bilang ng mga nahahawaan ng virus sa Lungsod ng Maynila sa nakalipas na isang linggo.
Ngayong araw, panibagong 37 ang naidagdag sa listahan ng mga bagong nagpositibo sa virus.
Dahil sa bilang na ito, sumampa na sa 213 ang mga active case sa buong lungsod.
Pinakamalaking bilang ng may active cases ang Tondo District 1 na mayroong 45; sinundan ng Sampaloc na may 41; Tondo 2 25; Sta. Mesa 23; Malate 17; at Paco na may 13.Nasa 25 naman ang mga bagong bilang ng gumaling, at wala naman naitala na namatay sa nakalipas na 24 oras.
Samantala, dahil sa paglobo ng mga nahahawaan ng virus, nag-donate naman ang kumpanyang Asia Brewery ng 300 boxes na KN95 Facemask sa Lokal na Pamahalaan ng Maynila na siyang ipinamahagi sa mga taga-lungsod.
Pero, kahit patuloy sa pagtaas ang COVID-19 cases, hindi pa rin inoobliga ni Mayor Honey Lacuna ang kanyang mga kababayan na mag suot ng facemask.
Tanging ang paalala lamang, na panatilihin pa rin sa sarili ang minimum health protocols at magpabakuna. | ulat ni Michael Rogas