Paalala ng PNP Chief sa publiko: Gamitin ng responsable ang 911

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinaalalahanan ni Philippine National Police (PNP) Chief General Rommel Francisco Marbil ang publiko na gamitin ng responsable ang bagong 911 emergency number.

Kasabay nito Inatasan ng PNP chief ang lahat ng Police units na rumesponde sa lahat ng tawag sa 911 sa loob ng tatlong minuto.

Ayon sa PNP chief ang E911 system, na pumalit sa Patrol 117, ay bahagi ng commitment ng PNP sa pampublikong seguridad sa pamamagitan ng pagtiyak ng mabilis at epektibong pagbibigay ng Police assistance.

Binigyang-diin ng PNP chief na ang pagiging epektibo ng bagong sistema ay naka-depende rin sa kooperasyon at “good judgement” ng bawat mamamayan.

Matatandaang sa paglulunsad ng E911 system noong nakaraang linggo, sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. na sa lumang emergency number, 45,000 sa 50,000 tawag araw-araw ang mga prank call.

Kaya binalaan din ng kalihim ang mga gagamit ng E911 para sa prank call, na sila ay matutunton at makakasuhan dahil sa makabagong teknolohiya na gamit ng bagong sistema.  | ulat ni Leo Sarne

📸: PNP

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us