Ilang lokal na pamahalaan, nagsuspinde ng face-to-face classes dahil sa volcanic smog mula sa Taal Volcano – DepEd

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nasa 41 mga lokal na pamahalaan ang nagsuspinde ng face-to-face classes ngayong araw sa kanilang nasasakupan dahil sa epekto ng volcanic smog mula sa Taal Volcano.

Batay sa datos mula sa Department of Education (DepEd), kasama sa lumipat muna sa blended learning ang 25 lokal na pamahalaan sa Batangas kabilang dito ang: Balete, Balayan, Malvar, Laurel, San Jose, Mataas na Kahoy, Agoncillo, San Nicolas, Nasugbu, Lemery, Lian, Talisay, San Luis, Alitagtag, Calaca City, San Pascual, Calatagan, Tuy, Cuenca, Sta. Teresita, Bauan, San Juan, Taal, Padre Garcia, at Ibaan.

Samantala, 11 lokal na pamahalaan naman sa Cavite ang nagsuspinde ng face-to-face classes kasama ang: Silang, Mendez, Indang, Alfonso, GMA, Carmona, Gen. Emilio Aguinaldo, Amadeo, Maragondon, Naic, at Carmona

Nasa tatlong lokal na pamahalaan naman ang nagsuspinde ng face-to-face classes sa Laguna kabilang ang: Calamba, Biñan at Los Baños.

Habang tatlo namang LGU sa Metro Manila ang nagsuspinde ng face-to-face classes kasama ang Muntinlupa, Las Piñas at Pasay. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us