Nadagdagan pa ang bilang ng mga barko ng China sa West Philippine Sea.
Sa ulat ng Armed Forces of the Philippine (AFP), may na-monitor na 129 na barko ng China sa WPS sa petsang August 13 hanggang August 19, 2024.
Mas mataas ito kumpara sa 92 na bilang ng mga barko ng China na namataan noong August 6 hanggang August 12, 2024.
Sa 129 na mga barko, sinabi ng AFP na 18 dito ay Chinese Coast Guard Vessel, 13 ang People’s Liberation Army Vessel at 98 ang Chinese Maritime Militia Vessel.
Nakapwesto ang mga barko sa Bajo de Masinloc, Ayungin Shoal, Pag asa island, lawak island, Patag island at Sabina shoal. | ulat ni Leo Sarne